Thursday, December 27, 2012
Ito ang aking kwento
Ako si Jon, 26 yrs old. Positibo sa HIV.
Nakilala ko Jervin (hindi tunay na pangalan) sa facebook. Matagal na rin kaming nagkakausap hanggang sa nagdesisyon kami na magkita... sa gabing iyon nagbago ang aking buhay.
Si Jervin ay isang Flight Attendant sa isang kilalang airline. Gaya ng karamihan na flight attendant si Jervin ay makisig, makinis, gwapo... ngiti pa lang kumpleto na ang araw mo. May pangarap si Jervin sa buhay. Malalaman mo kung intelektwal ang taong kausap mo base sa mga sagot nya kahit sa mga simpleng tanong. Nagttrabaho si Jervin at nagpapa-aral ng kanyang mas nakababatang kapatid. Masipag si Jervin. Puno ng pangarap. Puno ng pagasa.
Sa gabi na una kaming nagkita may nangyari sa amin.. normal lang kung iisipin lalo na sa mga kagaya ko. Normal ang one night stand.. normal ang magkita para sa sex.. pero sa gabing iyon hindi ko lubos maisip na babaguhin ang pagkikita namin na iyon ang buhay ko.
Tatlong linggo matapos ang araw na iyon ay nagkasakit ako.. halos isang linggo akong nag-leave dahil sa mala-trankasong sakit.. na-confine ako sa isang kilalang ospital. Maraming tests ang ginawa sa akin at lahat ay normal. Nagdesisyon ako na kausapin ang doctor para i-request ang HIV test sa mga susunod na pagsusuri. Alam kong kelangan kong kunin ang HIV test... may kutob ako.
Lumabas ang resulta ng HIV test matapos ang dalawang araw.. kinausap ako ng doktor at ibinigay sa akin ang resulta.. REACTIVE. Ipapasuri pa daw nila ang dugo ko para sa "confirmatory". Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon.. nanlamig ang buo kong katawan.. mamamatay na ba ako? kung hnde ako agad mamamatay ilang taon pa ako mabubuhay? may pag-asa pa ba akong magamot? Lahat ng mga sagot sa aking mga katanungan ay nakasalalay sa resulta ng confimatory test.. naghintay ako.
Matapos ang tatlong linggo bumalik ako sa ospital para kunin ang resulta. Pinapasok ako ng doktor sa isang kwarto... nanlamig muli ang aking buong katawan.. hinanda ko na ang sarili ko. Ibinigay sa akin ang sobre na naglalaman ng aking resulta.. binuksan ko.. halos nanginginig ang aking mga kamay.. binuksan ko ang tupi ng papel... REACTIVE, NON-REACTIVE.. at ang huling bahagi "INDETERMINATE". Hindi ko maintindihan ang resulta.. nalito ako. Ang sabi sa akin ng doktor ay malamang nasa window period ako kung meron talaga akong HIV o di kaya'y posibleng false positive ang ilang parte ng confirmatory test. Bumalik daw ako malipas ang tatlong linggo... Hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon.. tatlong linggo na naman??? Napakahirap ang maghintay.. pero wala akong magagawa.
Matapos ang tatlong linggo ay nagdesisyon ako na pumunta sa Makati Social Hygiene Clinic. Dun ako nagpa-test muli. REACTIVE ang rapid test ko.. handa naman ako sa resulta ng rapid test at ang gusto ko lang makita ay ang Confirmatory test result.. Kinailangan ko muling maghintay ng tatlong linggo para sa resulta... Ito na yata ang pinakamahabang paghihintay ko sa buhay ko. Walang araw na lumipas na hindi ko naiisip ang resulta ng aking confirmatory... sana "Negative" ang madalas ko na lang sabihin sa aking sarili. Tatlong linggo ang lumipas... ito na ang oras ng katotohanan.
Bumalik ako sa Makati Social Hygiene Clinic para sa confirmatory test result.. Ibinigay sa akin ang sobre... sa pangalawang pagkakataon dahan dahan kong binuksan ang sobre na naglalaman ng aking kinabukasan... halos nanginginig kong ibinuka ang tupi ng papel... Reactive.. Reactive.. Reactive. Sa mga oras na iyon pagkabasa ko ng resulta napangiti ako... humarap ako sa doktor at tinanong "So dok, ano na next steps?"
Tinanong ako ng doktor:
"Ano nararamdaman mo ngayon?"
Ngumiti ako sa doktor.Handa ako sa resulta na to. Inihanda ko ang sarili ko sa oras na ito kung malaman ko na ako ay positibo.
"May konting takot" ang sabi ko.. huminga ako saglit at nagpatuloy
"Takot dahil alam ko na habangbuhay kong lalabanan ang sakit na ito. Pero handa ako. Alam ko na sa tamang gamutan at healthy lifestyle ay magagawa kong mabuhay ng normal. Parang sakit lang to na diabetes. Handa ako na mabuhay at lumaban sa HIV. HIV lang yan."
Napangiti ang doktor sa akin. Nakita ko na masaya siya dahil handa ako at alam ko ang mga dapat malaman tungkol sa HIV.
Makalipas ang ilang araw inisip ko kung saan ko nakuha ang sakit na HIV. Naisip ko si Jervin. Sya lang ang naka-sex ko bago ako magkasakit at nag-abstain ako para hindi maka-apekto sa resulta ng confirmatory. Sya lang ang taong posibleng nagbigay sken ng sakit. Pero ayoko siya kausapin. Ayokong malungkot o matakot sya ng sobra sa katotohanan na naka-hawa sya ng isang tao. Ilang bwan kong tinago sa kanya na ako ay positibo hanggang isang araw...
Nakakuha ako ng text mula sa isang number.. tinanong ko kung sino sya.
"Si Jervin to, Merry Christmas!"
Natuwa ako at daliang nagreply:
Jon: "Kamusta ka na? Merry Christmas rin! :) San ka? Magkita tayo"
Jervin: "Kakabalik ko lang sa Manila. Sige magkita tayo, punta ka na lang dito sa place ko."
Nagdalawang isip ako.. sasabihin ko ba sa kanya na ako ngayon ay positibo sa HIV? o itatago ko na lang hanggang kaya ko? Ayokong malungkot si Jervin pag nalaman nya na nahawa niya ako. Ayokong magalit sya sa sarili nya. Ayokong makakita ng isang taong malungkot.
Nagdesisyon ako na ito ang tamang oras para malaman niya.
Nagkita kami sa Mcdo na malapit sa kanyang tinitirahan. Malayo pa lang ay nakita na niya ako. Nakangiti nya akong sinalubong sabay akbay sa aking balikat.
"Namiss kita! Kamusta ka na?" ang unang nasambit ni Jervin
"Ayus lang! Gwapo pa rin! hahaha!" ang tugon ko
"Grabe halos anim na buwan yata tayong hindi nagkita!" dagdag nya.
Pumasok kami sa kanyang kwarto. Medyo madilim kagaya ng unang gabing napunta ako dito. Sinalubong nya agad ako ng yakap pagkasara ng pinto. Malambing si Jervin. Umupo ako sa kanyang kama at nagtanggal ng sapatos (feeling at home). Nagsimula kami magkwentuhan ng mga bagay bagay. Humiga kami sa kanyang kama. Hinawakan nga ang kanang kamay ko.
"Ano bago sayo?" ang tanong niya.
"Better than ever" ang mabilis kong tugon
Medyo marami kaming napagusapan... mga nakakatawang bagay. Hanggang sa napunta sa mga seryosong tanong.
"Jervin, ano plano mo sa buhay" ang tanong ko
"Marami! Mapagtapos ang kapatid ko... maging isang huwarang empleyado!" ang tugon ni Jervin sabay tawa
Hindi ako ngumiti at nanatiling tahimik. Naglalaro sa isip ko kung sasabihin ko ba talaga sa kanya. Nagdesisyon akong ibahin muna ang usapan.
"Sa tingin mo lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay ay may karampatang dahilan?" ang seryoso kong tanong
"Wow, kelan ka pa naging seryoso?" ang pabiro nyang banat
"Seryoso ako. Sa tingin mo lahat ng bagay ay may rason?" ang muli kong tanong
"Oo.. lahat may dahilan. Minsan hindi mo lang maintindihan kung bakit pero darating ang oras na malalaman mo ang rason" sagot ni Jervin
"Alam mo, minsan may mga bagay talaga na halos hindi mo akalaing mangyayari sayo pero darating na lang. May mga bagay na madali mong mahanap ang sagot samantalang may iba na matagal mo maintindihan" ang seryoso kong sinambit
"Ano ka ba Jon.Kagaya ng lagi ko sayong sinasabi dati pa Stay Cool. Kung ano man ang dumating sa buhay natin malalampasan naman yan! Chill." ang sagot ni Jervin.
Alam kong sa mga oras na yon ay may mga bagay nang naglalaro sa isip ni Jervin. Alam kong iyon na ang tamang pagkakataon para simulan ang usapan namin tungkol sa HIV.
"Uy Jervin may tanong ako!" ang makulit kong sinabi
"Ano naman yan? Lolokohin mo na naman ako!" ang pabiro nyang sagot
Natahimik na naman ako, kinabahan ako bigla. Sasabihin mo ba talaga sa kanya??? Wag na lang kaya?? Ano gagawin ko???
Umupo ako mula sa pagkakahiga namin at humarap sa kanya. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata. Nakangiti si Jervin. Hindi ko maiwasan na mapangiti rin. Hinalikan ko si Jervin.. habang nakapikit ang aking mga mata.. hinayaan naming magdampi ang aming mga labi sa gitna ng katahimikan. Halos marinig ko ang tibok ng puso naming parehas sa nakakabinging katahimikan.
Tinitigan ko sya... kinuha ko ang kanyang kaliwang kamay at inilapat sa gitna ng aking dalawang kamay
"Jervin..." ang malumanay kong nasambit.
Sa sandaling iyon ay naramdaman ko na kelangan malaman ni Jervin ang katotohanan. Nakita ko sa mga mata nya ang pagtataka sa kung anong itatanong o sasabihin ko.
"Kelan mo nalaman na positive ka?" ang tanong ko.
Matapos kong masambit ang mga katagang iyon ay natahimik si Jervin. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata.
"A-a-ano?" ang tanong niya
"Bakit positive ka?!" dinagdag niya
Tumango ako.
"Kelan pa?!" ang tanong niya
"Tatlong linggo matapos na may mangyari sa atin.. Na-ospital ako.. mula doon ilang linggo lang bago ko nalaman na positibo ako sa HIV" ang malumanay kong sagot
Natahimik si Jervin. Halos lumuha siya sa lungkot. Huminga sya ng malalim
"Jon I'm very sorry. Hindi ko alam ng panahong iyon. Mas nauna mo pa pala nalaman ang status mo" ang malungkot na sagot nya
Tumango na lang ako at ngumiti.
"Ok lang ako ngayon Jervin, wag ka mag-alala. " ang pilit kong biro
Huminga muli si Jervin ng malalim at umupo mula sa pagkakahiga... sumandal sya pader at malungkot na tumingin sa akin
"Sus, ano ka ba. Wala yan!" ang sambit ko
"Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam kung ano ngayon ang sasabihin ko sayo. Nahihiya ako ng sobra sobra sayo." ang malungkot niyang tugon
Bigla akong nihalikan ni Jervin at niyakap... yakap na ibang iba sa mga nakaraan.
"Jervin, alam kong malulungkot ka pag nalaman mong nahawa mo ako kaya itinago ko sayo ang katotohanan. Ayaw kitang malungkot o magalit sa sarili mo. Walang rason para maramdaman mo yun. Sabi ko nga sayo kanina maraming bagay na hindi mo halos maintindihan kung bakit nangyayari sa buhay mo.. may bagay na matagal bago mo malaman ang kadahilanan. Sa oras na ito alam ko na ang sagot sa sitwasyon na nangyari sa atin. Maraming tao na ang tingin sa HIV ay sumpa.. pero sa akin, pagkakataon ito. Pagkakataon na makita ang tunay na kahalagahan ng mga bagay bagay.. Pagkakataon na makita ang tunay na saya ng buhay.. ang tunay na halaga ng relasyon... sa pamilya, sa taong mahal mo, sa mga kaibigan. Nakita ko ang mga bagay na hindi ko pinapansin dati... Ramdam ko ang bawat sandali."
"Hindi ko alam kung pano mo nagagawa na hindi magalit sa akin. Sobrang nahihiya ako sayo Jon... hindi ko to ginusto" naluha si Jervin sa mga sandaling iyon.
Niyakap ko syang muli... sa mga sandaling iyon parehas kaming naging malaya sa katotohanan.
"Jervin nandito lang ako para sayo. Ngayon pa na walang may alam ng status mo bukod sa iyong doktor. Andito ako para sumuporta sayo kung kelangan mo ako." ang pangiti kong sambit
"Sobrang salamat Jon" ang maiksi niyang tugon
Magkayakap kami ng matagal... naramdaman namin parehas ang magkahalong lungkot at saya. Lungkot dahil sa katotohanan na may sakit kaming lalabanan habangbuhay... saya dahil alam naming hindi kami nag-iisa sa buhay na lumalaban. Nandito ako para sa kanya at alam kong nandyan sya para sa akin. Maraming lumalaban sa HIV. Patunay dito ang mga nakilala kong "poz" sa twitter at RITM hub na naging kaibigan ko... mga kaibigan na sasabay sa iyo sa laban ng buhay.
Sa mga sandaling iyon ay nagpaalam na ako kay Jervin.. at sa aking pag-alis ay tumingin ako sa kanya at ngumiti... patunay na ang HIV ay isa lang pagsubok na kayang lampasan.
Ito ang aking storya...
Jon StayCool
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
"Maraming tao na ang tingin sa HIV ay sumpa.. pero sa akin, pagkakataon ito. Pagkakataon na makita ang tunay na kahalagahan ng mga bagay bagay.. Pagkakataon na makita ang tunay na saya ng buhay.. "
ReplyDelete....very well said!
Question: Did you two end up together?
We did not end up together.. At sinagot ko talaga to after more than a year HAHAHA! Wheeew! Time flies fast!
ReplyDeleteI applaud you. I can only imagine how much love and understanding you had/have for "Jervin" for being so forgiving and accepting. Indeed, Jon you're cool! :D
ReplyDelete